Kylie Padilla may ginawang hindi inaasahan sa isang interview. Ito'y matapos na magkwento si Kylie Padilla tungkol sa kanyang old friend na si Max Collins.
Matatandaang matagal ng usap-usapan ng mga netizens kung totoo nga ba ang issue na hiwalay na sina Max Collins at Pancho Magno.
Sa isang interview ni Kylie Padilla para ipromote ang kanyang bagong serye sa GMA na Bolera. Naitanong sa kanya kung sino ang kanyang unang kaibigan sa Showbiz Industry.
Sumagot naman si Kylie at ikinuwento niya kung sino ito.
"My first friend talaga sa showbiz na friend ko pa rin ngayon ay si Max Collins. We were together in The Good Daughter. Doon pa lang naging friends na kami hanggang ngayon. Parehas kami ikinasal, parehas naghiwalay, parehas kaming nanganak."
Dito, tila nabuking ang sagot sa katanungang hiwalay na nga ba sina Max Collins at Pancho Magno. Dahil kay Kylie Padilla tila nakumpirma na ito ng mga fans.
Matagal na hindi nagsalita sina Pancho Magno at Max Collins. Maging sa kani-kanilang social media ay tahimik lamang sila. Kahit tila halata na hiwalay na ang dalawa ay hindi na naitanong, kung talagang hiwalay na sila matapos magtrending ang issue.
Hindi naman nagulat ang ibang mga netizens. Ayon pa sa kanila halata naman umano at noon pa man ay na-issue na nagkahiwalay na sila. Hindi nga lang kinumpirma ng dalawa.
Sa ngayon makikita naman na tila masaya naman sa kani-kanilang buhay sina Max at Pancho. Tulad na lamang kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na tanggap na ang kanilang hiwalayan.
I hope na both of kylie padilla ok nalang kay ni ate max sty self
TumugonBurahin