Lampungan Nina Piolo Pascual at Lovi Poe Sa Instagram, Sinita Ng Dyowa Ng Aktres

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely

Kapansin-pansin ang mga sweet na mga larawan nina Piolo Pascual at Lovi Poe kamakailan dahilan para masita ang aktres ng dyowang scientist!

Abalang-abala ngayon ang brand new love team para sa pag-promote ng kanilang Pinoy adaptation ng Korean crime thriller drama “Flower of Evil.”

Ilang behind the scenes na rin ang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram.

Isang larawan naman kung saan makikitang magkadikit ang noo ng Kapamilya love team habang bakas ang mga ngiti ang umagaw sa pansin ng British boyfriend ni Lovi na si Montgomery Blencowe. Hindi na kasi napigilan nitong magkomento sa nasabing larawan.

“So this is what you’re up to when I’m not around,🤨” pabirong komento ni Monty na ikinaaliw ng followers ng aktres.

Ang dyowa ng aktres na ilang beses na niyang ibinahagi sa Instagram ay isang matagumpay na Hollywood filmmaker, producer at scientist pa sa University of California, base sa ilang filmmaking credits at sa kaniyang Instagram profile.

Wala namang tugon ang 33 taong-gulang na aktres sa kinaaliwang komento ng kaniyang boyfriend.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo