Latest to! Reaction Nina Matet & Lotlot De Leon Habang Nakatingin Sa Nakaratay Na Katawan Ni Ate Guy

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

/ by Lovely


 May karamdaman ang isang batikang aktres na tinagurian bilang Superstar ng showbiz na si Nora Aunor. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa Malacanang Palace noong June 16, upang tanggapin ang parangal sa pagkikilala bilang National Artist.

Hindi umano pinayagan ng mga doktor si Nora na dumalo sa conferment dahil sa sakit nito. Kaya ang apat na anak na lamang nito ang dumalo upang kunin ang parangal.

Hindi nakasama si Lotlot sa apat na kapatid dahil ito umano ang nagbabantay sa kanilang ina. 

"Diretso na kaming magdedeliver ngayon kay Mommy ng kanya plaque. Sa mga fans, maraming salamat po sa inyo sa pagmamahal ninyo sa Mommy namin nang walang katapusan. Thank you, thank you so much sa inyo. Mahal po namin kayo," pahayag ni Matet sa isang interview noong araw ng pagtanggap nila sa parangal para sa ina.

Wala namang ibinahagi ang mga taong malalapit kay Ate Guy kung ano ang kanyang karamdaman. Wala ring pahayag kung paano nagkaayos sina Lotlot at Ate na matagal nang mayroong alitan. Matatandaang nag-ugat ito nang makipagrelasyon si Ate Guy sa isang rapper.

Si Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth ay hindi mga biological children ni Nora. Si Ian De Leon lamang ang tunay na anak ni Nora. Ito ang naging bunga sa pagsasama nila ni Christopher De Leon.

Ayon kay Lotlot sa isang interview, hindi naman niya naramdaman na isa siyang ampon sa simula pa lang at noong ipinagtapat na ng Superstar ang tungkol dito.

Binigyan din umano siya ni Ate Guy ng pagkakataon makilala ang kanyang mga biological parents.

Sa kabilang banda, may tribute para kay Nora Aunor at ng ibang mga national artists na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines sa June 29 at inaasahan ang pagdalo ng Superstar.

Ayon sa aming source, hindi pa rin pinauwi ng bahay si Ate Guy ng mga doktor. Ayon pa dito ay kailangang obserbahan muna ang kalagayan niya sa ngayon. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo