LIZA SOBERANO FINALLY MEETS BELLA POARCH

Biyernes, Hunyo 3, 2022

/ by Lovely


Liza Soberano at Bella Poarch spotted na magkasama.

Na-amaze ang mga netizens matapos makita ang bagong upload ni Liza Soberano kasama si Bella Poarch sa Intagram nitong Huwebes June 2, 2022. Sa kabila ng pagiging sikat na aktres ni Liza ay hindi pa rin nawala ang pagiging isang fan girl niya.

Isa sa kanyang mga iniidolo ay ang sikat na influencer na si Bella Poarch. Na-meet niya ito at agad-agad na ipinost niya ito sa kanyang Instagram account na may caption,

Queen things with @bellapoarch. I had a blast getting to know you.

Natutuwa ang mga co-artist ni Liza Soberano kagaya na lamang ni Yassi Pressman dahil nakilala at na-meet na nito si Bella Poarch. Nagkomento rin ito at sinabihan sila, na parehong magaganda. Nagkomento naman si Bella rito ng heart emojis.

Sa Instagram post si Bella makikitang nakakomento si Liza ng heart emoji o I love you. Ipinapakita talaga rito ni Liza na sinusuportahan niya ang nasabing influencer.

Masaya ngayon ang mga fans ni Liza para sa kanya dahil na-meet na niya ang kanyang iniidolo na si Bella Poarch. Natutuwa rin silang makitang nag-eenjoy sa Los Angeles si Liza at nami-meet ang mga iniidolo nito.

Samantala, may mga posibilidad na maaring makatrabaho niya ang mga ito lalong lalo na't inexpand na niya ang kanyang career at nais pasukin ang Holywood.

Inaabangan ngayon ng mga fans ni Liza na baka sa mga susunod na buwan ay makatrabaho na nito ang kanyang iniidolo na si Bella Poarch.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo