Liza Soberano, Nagsalita Na Sa Isyu Ng Hiwalayan Nila Ni Enrique Gil

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Lovely


Tila hindi maganda ang taong ito sa mga celebrity couple dahil nangangalahati pa lamang ang taon marami nang celebrity couple ang naghihiwalay at marami ang mga iniintrigang naghiwalay na rin.

Isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz ay ang hiwalayan umano nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Mariing pinabulaanan naman ni Liza ang balitang ito. Itinanggi niya na naghiwalay na sila nang kanyang longtime boyfriend na si Enrique Gil. Nilinaw din niya at ng kanyang bagong talent manager na si James Reid na wala silang problema ni Enrique Gil at nananatiling matatag ang kanilang relasyon.

Sa katunayan ay full support sa kanya si Enrique. Excited at looking forward na rin ang actress sa kanyang magiging projects sa record level ni James.



Hindi pa rin umano makapaniwala ni Liza sa collaboration nila ng aktor na si James Reid dahil hindi naman sila ganun ka-close. Sa paglipat ni Liza kay James, umaasa ang aktres na matutupad nito ang iba niyang mga pangarap bilang artist. Ang magkaroon ng career at sumikat sa Hollywood.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo