Liza Soberano Sumakay Sa Kasikatan Nina Bretman Rock at Bella Poarch, Tuhod Sugatan

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Lovely

Pinalalakas nang husto ni Liza Soberano ang kanyang social media appeal, para na rin sa kanyang sinimulang karera sa Hollywood.

Panay ang post ni Liza ng mga photo na kasama ang mga Pinoy social media influencer na US-based, na hindi rin talaga matawaran ang kasikatan sa Instagram at Facebook.



Binahagi ni Liza ang photo na kasama niya si Bella Poarch. At sa katatapos lang na Independence Day celebration sa Los Angeles, pinost agad ni Liza sa Instagram ang photo nila ni Bella, at kasama pa ang sikat na Pinoy social media personality na si Bretman Rock.

“Dinner with @bellapoarch and @bretmanrock on Philippine Independence Day. Always happy to be with People I can relate to!” sabi ni Liza.

Bagamat may 17.2M follower si Liza sa IG, kabog nga niya si Bella na may 14.2M follower naman, panalo naman si Bretman na may 18.3M follower. Pero, pagdating sa mga like, comment, panalo sina Bella, Bretman, na libo-libo talaga ang hinahamig na suporta sa bawat post nila.

Malaking bagay kay Liza kung makukuha niya ang atensyon ng mga fan nina Bella, Bretman, para mas lumago pa ang bilang ng kanyang mga fan.

Samantala, marami naman ang naka pansin sa tuhod ni Liza na may gasgas at sugat.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo