Lolit Solis hindi na-threaten sa mga request ng mga fans ng aktres na si Bea Alonzo na kasuhan dahil sa mga pan-iinsulto at panlalait nito sa aktres sa pamamagitan ng Instagram account nito.
Ngayon may bagong banat na naman si Lolit Solis kay Bea Alonzo. Mukhang hindi tatantanan ni Lolit Solis si Bea Alonzo. Muli itong nagbitaw ng maaanghang at masasakit na salita para sa Kapuso actress noong Martes, July 28, 2022.
Hindi naman nakaligtas ang aktres na si Bea Alonzo sa pangungumpara ni Lolit Solis sa kanyan sa Kapuso real life couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Narito ang post ni Manay para kay Bea Alonzo sa kanyang Instagram account.
"May nagsasabi na parang wala ng ningning si Bea Alonzo dahil para naman hindi masyadong excited ang tao sa paglabas niya sa TV. Mas nandoon pa ang excitement sa pagsasama nila Dingdong Dantes at Marian Rivera sa sitcom na Jose at Maria, bonggang Villa. Kasi nga ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea Alonzo, baka dahil narin sa edad niya at lagi ngang nasa isip mo na pinalitan ni Gerald Anderson ng mas batang Julia Barretto kaya tuloy ang lagi mo naiisip, baka dahil old na si Bea at young si Julia kaya na ghosting. Sayang kasi there was a time na inaakala ng marami na mala Diyosa ang ganda ni Bea pero hayun nga, iniwan sa ere. Dapat sa edad niya meron na siyang asawa at mga anak, pero single parin kaya nagtatanong ka, ano dahilan ? Sana naman makakita na siya ng tunay na magmamahal sa kanya para hindi siya maging bitter sa buhay. Ihanap nyo nga ng partner Salve at Gorgy, elegible at available si Bea Alonzo, please alukin nyo na ng kasal para makahabol pa sa last trip at magkaroon pa ng mga babies. Please."
Sa kanyang Instagram post, nagbigay ng unsolicited comment ukol sa mga priority and decision ni Bea sa buhay. Ayon kay Manay dapat ng may anak si Bea sa edad niya ngayon.
Matatandaang, ikinasama ng loob ni Lolit Solis ang umano'y pagpapa-power trip ni Bea sa kanila at ipinatanggal sila sa mga invited guests noong launching nito sa endorsement ng Beautederm.
Mula noon, binabanatan na ni Lolit Solis ang aktres sa pamamagitan ng Instagram nito. Sa kabila naman nito, patuloy pa ring dinideadma ni Bea ang mga pan-iinsulto sa kanya ng kolumnista.
Hiling naman ng mga fans ni Bea na dapat na itong sampahan ng kaso upang tumigil na sa mga banat nito laban sa aktres.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!