Lolit Solis Ipinahiya Ng Isang Direktor Sa Mga Naging Akusasyon Nito Kay Bea Alonzo

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Lovely

Kilalang number 1 critic ng bagong Kapuso actress Bea Alonzo si Lolit Solis. Matatandaang simula ng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA7, wala nang sinabing maganda para sa kanya ang columnist.

Matatandaang, nagtrending ang mga hanash ni Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo sa social media matapos umanong ipatanggal siya ni Bea sa mga invited guests sa launching ng endorsement nito sa Beautederm. 

Simula noon, ay sunod-sunod na ang panglalait ni Lolit Solis sa aktres na si Bea Alonzo. Samantala, nanatiling tahimik si Bea Alonzo sa kabila ng panlalait ni Lolit Solis.

Sa kabilang banda, tila ipinahiya ng isang direktor ang mga pinagsasabi ni Lolit Solis. Pinatunayan ng diretor na ito kung gaano ka professional at kabait si Bea Alonzo.

Matatandaang sinabi ni Manay Lolit Solis na inabot ng ilang oras ang mga reporters sa paghihintay kay Bea Alonzo sa launching nito sa isang beauty products. Dahil marami umanong dapat takpan sa mukha nito dahil matanda na ito.

Ayon sa Direktor, mahusay, magaling at professional sa trabaho si Bea. Pinuri din nito si Bea dahil maaga silang natapos sa taping. Nameet umano ni Bea ang mga expectations ng direktor sa kaniyang pag-arte at mataas umano ang mga expectations na iyon.

Dagdag pa ng Direktor, hindi lamang ang buhay ng karakter ang alam ni Bea, alam din umano nito maging ang buhay ng ibang karakter na kasama sa series. Nagpapakita umano ito hindi lamang pagka-professional kundi pagiging veteran na din.

Ipinamukha naman ng mga netizens kay Manay Lolit Solis na direktor na mismo ang nagsabing magaling at professional sa trabaho si Bea. Hindi katulad ng mga pinagsasabi nito sa kanyang Instagram posts.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo