Kahit hindi active sa social media si Kris Aquino patuloy pa rin na naglabasan ang mga balita tungkol rito.
Kamakailan ay isiniwalat ni Cristy Fermin na hindi umano makita ng mga reporters ang ospital na kasalukuyang kinalalagyan ngayon ni Kris. Nais ng mga itong kumustahin ang kalagayan ng Queen of all Media.
Muling nagbigay ng kanyang sentiment sa Instagram ang columnist na si Lolit Solis. Aniya sa post,
"Alam mo Salve, basta I don't feel Ok lagi ko lang inaalala si Kris Aquino. Very young, may access sa lahat ng medical procedures pero may sakit parin. Sabi ko nga, if someone like Kris can get sick, bakit ka mag complain kung makaramdam ka ng konti sakit? Especially me na isa ng 75 years old na matanda ? I can just imagine iyon frustration ng buhay ka nga pero ang hirap huminga dahil physically parang pagod na pagod ka. Parang you wanted to give up dahil sa discomfort, pero wala ka talaga magawa. Be happy and thankful na at least matanda ka na ng ma experience mo ang ganitong bagay, siguro nga talagang mahal ka ni God dahil imagine how long you have been enjoying your good health. Saka iyon nga, thinking how hard it is for Kris Aquino na may sakit at her age parang suwerte mo na ngayon ka lang nagkasakit. All the prayers and love for Kris, hindi lang dahil sa kanya kundi para sa dalawang anak niya, si Joshua at Bimby. Please pray that she will recover and get well soonest. Love you Kris."
Panalangin ni Lolit Solis ang tuluyang paggaling ng Queen of all Media. Hinimok din niya ang mga netizens na ipagdasal ito para na rin sa dalawang anak nito na sina Joshua at Bimby.
Ayon pa kay Manay Lolit, sa sakit na nararamdaman ngayon ni Kris, mararamdaman na pagod na pagod na ito at tila nais nang sumuko pero dahil sa mga anak nito, pilit itong lumalaban.
Matatandaang napabalita noon na handa si Kris na ubusin ang kanyang yaman kapalit ang kanyang paggaling. May bali-balitang nasa mamahaling ospital ngayon si Kris at doon nagpapagamot.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!