Lolit Solis May Bwelta Sa Ama Ni Joshua Na Si Philip Salvador Kris Aquino Wala Maasahan Alamin

Martes, Hunyo 7, 2022

/ by Lovely

Dahil sa pagiging malapit na kaibigan nina Kris Aquino at Lolit Solis, hindi nito naiwasang ipost sa kanyang Instagram account ang opinyon tungkol sa umano'y hindi pagpansin at pag-aalala ng ama ni Joshua na si Philip Salvador sa birthday nito. 

Narito ang kanyang post mula sa Instagram,

Lumitaw na naman ang pangalan ni Phillip Salvador dahil sa 27 birthday ni Joshua, anak ni Kris Aquino, Salve. Siyempre pa na iniisip ng lahat na for 27 years ano kaya ang naging contribution ni Phillip sa paglaki ni Joshua na may mga special needs pa naman. Ngayon na nasa seryosong lagay ang health ni Kris Aquino, na foremost sa isipan niya ang welfare ni Joshua na isang special person, bigla lumabas ang 'ano ba ginagawa ni Phillip Salvador ?'. Siguro nga wala ito sa priority ng mga taong nasa isip ni Kris na puwedeng pag iwanan sa anak kung sakali. For years talagang independent sa pagiging mother ng mga anak niya di Kris Aquino. Kahit pa nga si James Yap mukhang walang ginagawa contribution sa paglaki ni Bimby. Kaya nga kahanga hanga na kinakaya lahat ni Kris ang responsibilidad. Kaya hindi kataka taka na ito ang ikinatatakot niya, maiwan ang mga anak niya. Kung alam lang ng lahat how quietly suffering si Kris Aquino sa kanyang sakit, at sa isip kung ano ang magiging kapalaran ng mga anak niya, mauunawaan natin ang kalagayan niya. Idalangin natin na maging maayos lahat sa buhay ni Kris, pray for her. Fighting Kris.

Ayon kay Lolit Solis, tila wala sa isip ni Kris Aquino ang pag-iiwan kay Josh sa pangangalaga ni Philip Salvador. Dagdag pa nito, tila walang contribution sa pagpapalaki ng mga anak ni Kris ang mga ama nito.

Samantala, maraming nagsasabi na si Kris din ang dahilan at sa yaman nito kaya hindi na nito kailangan ng contribution sa pagpapalaki sa mga anak. 

Nanawagan naman si Lolit Solis, sa patuloy na pagdarasal para sa tuluyang paggaling ni Kris alang-alang sa kanyang mga anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo