Lolit Solis, Muling Binash at Ininsulto Ang Kapuso Aktress Na Si Bea Alonzo!

Biyernes, Hunyo 24, 2022

/ by Lovely

Muling binash at ininsulto ng batikang kolumnista na si Lolit Solis ang Kapuso Star, Bea Alonzo. Sa kanyang Instagram account sinabi ni Lolit Solis,

Anniversary ng GMA7 Salve at Gorgy. Invited tayong 3 pero naisip ko, baka i request ni Bea Alonzo na i cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7. Balak pa yatang agawin ang korona ni Marian Rivera, at unahan si Heart Evangelista. Baka mag power play at sabihin hindi siya pupunta kung nanduon tayo kaya ngayon pa lang Bea Alonzo gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta, kaya punta ka na, maaga pa make up para matakpan mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng mga young stars, at please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura, hah hah hah. Naku Bea iyan power play mo na nagpapa cancel ng invited writers sa presscon luma ng style ng mga nalaos at walang career na artista. Sana mas maganda kung tipo na ikaw ang nagbayad ng presscon para mapili mo mga invited guests. Pero iyon hindi ka naman gumasta, tapos feeling high and mighty ka na mag aalis ng writers, bongga ! Feeling super mega star of all season, tignan muna mga wrinkles, at tignan ang level ng career bago mag feeling superstar. Sayang ang fading beauty kung maganda lang face pero ang puso ay kulay itim.Akala pa naman namin, sweet ang face, kaya sweet din ang ugali. Puwede palang sweet and sour ang isang tao. Sayang, akala namin dahil mabait si Bea Binene, ganuon lahat ng Bea, mali pala kami. Hay Gorgy at Salve, kay Bea Binene na lang tayo, iyon ibang Bea baka i cancel tayo. Hah hah hah



Ayon kay Lolit Solis invited umano sila sa anniversary ng GMA7 at baka ipacancel nanaman diumano sila ni Bea Alonzo na feeling reyna ng nasabing network. Nagpatutsada din ito na tila may balak umano ang aktres na agawan ng korona ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at uunahan pa si Heart Evangelista.

Inunahan na din umano ni Manay Lolit si Bea na hindi sila pupunta sa nasabing event at baka raw ipatanggal na naman siya at sasabihing hindi aattend kung makikita ang team niya. Pinayuhan din nito ang aktres na magpamake up ng maaga upang matabunan ang mga wrinkles at gandahan ang susuoting damit upang hindi magmukhang Tita ng mga young stars.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na binash ng kolumnista si Bea Alonzo. Mas lumalim ang mga banat ngayon ni Lolit Solis dahil sa umano'y pagpapakansel ni Bea Alonzo sa kanila sa presscon ng isang beauty product.

Samantala, sa sunod-sunod na patutsada ni Lolit Solis, nananatili pa ring tahimik ang aktres.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo