Nanghihinayang ang maraming mga netizens at followers ni Kris Aquino dahil sa pagkakasakit nito. Sana umano ay healthy pa rin ito upang patuloy na nakakapagbigay saya sa kanyang mga fans. Marami sa mga tagahanga nito ang patuloy na naghihintay na muli itong mapanood sa telebisyon.
Ibinahagi rin ni Lolit Solis sa kanyang Instagram na napakabata pa ni Kris na magkaroon ng ganitong uri ng sakit kung saan tila habambuhay ang gamutan. Kaya naman, ayon sa kanya tuwing may nararamdaman siya ay iniisp niya si Kris na at a very young age nagkaroon ng ganiton sakit.
"Alam mo Salve, basta I don't feel Ok lagi ko lang inaalala si Kris Aquino. Very young, may access sa lahat ng medical procedures pero may sakit parin. Sabi ko nga, if someone like Kris can get sick, bakit ka mag complain kung makaramdam ka ng konti sakit? Especially me na isa ng 75 years old na matanda ? I can just imagine iyon frustration ng buhay ka nga pero ang hirap huminga dahil physically parang pagod na pagod ka. Parang you wanted to give up dahil sa discomfort, pero wala ka talaga magawa. Be happy and thankful na at least matanda ka na ng ma experience mo ang ganitong bagay, siguro nga talagang mahal ka ni God dahil imagine how long you have been enjoying your good health. Saka iyon nga, thinking how hard it is for Kris Aquino na may sakit at her age parang suwerte mo na ngayon ka lang nagkasakit. All the prayers and love for Kris, hindi lang dahil sa kanya kundi para sa dalawang anak niya, si Joshua at Bimby. Please pray that she will recover and get well soonest. Love you Kris."
Samantala, marami naman ang nagsasabing maganda ang mga facilities ng hospital kung saan ito na confine ngayon sa Houston, Texas. Isang hospital kung saan naibibigay ang mga pangangailangan ni Kris at nalalaman kung ano ang nararapat na gamot para malunasan si Kris.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!