Matapos ngang magpost ni Mega star Sharon Cuneta sa kanyang Instagram kung saan ibinahagi nga niya ang pagpunta at pagbisita niya sa kanyang Tita Helen na itinuturing niya ngang pangalawang magulang ay nagbahagi naman din si Ciara Sotto sa kanyang Instagram 2 hours ago.
Doon ay may caption ito na, "Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God."
Ibinahagi rin ni Ciara Sotto ang pakikipagbonding ng kanyang pamangkin at ang anak nito sa kanilang tita Sharon Cuneta. Sa Instagram naman ni Sharon Cuneta ay ipinakita niya ang photo nila Helen Gamboa, Tito Sen at syempre ang kanyang mga pinsan na sina Ciara Sotto at ang mga kapatid ni Ciara.
Makikita ang pagyakap ni Mega star Sharon sa kanyang daddy na si Tito Sen kung saan ay halatang halata na sobrang na-miss. For sure ay nagkaroon ito ng emosyunal na yakapan pagdating ni Mega star Sharon Cuneta. Sigurado ngang ito ay nagkaroon ng iyakan, at yan ang ating susubaybayan sa mga susunod na araw.
For sure, meron itong video katulad ng ibinabahagi ni Ciara or maybe hanggang dito nalang ito para hindi masyadong ma-expose ang anumang naging bonding nila that time. Pero bago pa man yan, alam na ng mga netizens na nag-reach out talaga si Sharon.
Marami naman ang pumuri kay Mega star Sharon Cuneta at ipinakita ang kanyang kababaang loob. Doon, ipinakita talaga ni Mega star na sobrang hindi niya kayang mawala ang kanyang family na sina Helen Gamboa, Tito Sen at ang kanyang mga pinsan na ngayon nga ay kanyang pamilya.
Samantala, marami namang netizens ang natuwa dito at sinabi na "All is well" na nga. Sana nga daw lahat ay ganyan, madaling makapagpatawaran, wala ng pride pride o anu pa man. Pero anyway, narito ang ilang mensahe naman ng mga netizens mula sa artikulo ng Fashion Pulis matapos nga nilang ilagay ito at ibahagi sa kanilang artikulo.
Bago pa man nagkaroon ng unang anak si Helen Gamboa, talagang si Sharon Cuneta ang una niyang inalagaan. Kaya naman talagang hindi niya matitiis ang kanyang anak na panganay. Sobrang namiss niya si Sharon Cuneta kaya naman Mega din ang kanyang yakap.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!