Nakalabas na diumano sa Intensive Care Unit ang superstar Nora Aunor. Weeks din daw diumano ang itinagal nito bago ito nailipat sa regular hospital room, ayon sa mga usap-usapan.
Isa ang isyu nito sa mga pinag-uusapan sa digital talk showni Lolit Solis. Ang sinasabing sakit umano nito ay katulad ng kay Dolphy although wala pang nagkukumpirma tungkol dito.
Maalalang labis ang nadaramang lungkot ng mga solid fans ni Ms. Nora Aunor nang hindi ito nakadalo sa awarding ng national artists of the Philippines. Sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth na lamang ang tumanggap ng nasabing parangal sa katayuan ng kanilang ina.
Nasa hospital na umano ang Superstar sa mga oras na iyon at hindi ito pinayagan ng mga doktor na dumalo sa nasabing event dahil hindi kakayanin ng katawan nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!