Lovi Poe, Dahilan Kaya Nasabing Buwis Buhay Ang Kanilang Teleseryeng "Flower of Evil"

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely

Malapit nang mapanood ang teleserye na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe na may title na 'Flower of Evil'.

Sa ngayon, ay makikita na ang trailer ng nasabing teleserye. Gayunpaman, makikita na rito na maganda at kaabang-abang ang nasabing serye dahil sa mga eksenang puno ng aksyon na talagang pinagbutihan ng mga aktor sa pagganap.

Maging si Lovi Poe ay tila nahihirapan dahil sa mga buwis buhay na mga eksena sa taping. Ayon sa akres, ibinigay niya ang lahat para magawa ng tama ang mga eksena. Dagdag pa ni Lovi, ito umano ang pinaka-challenging role na nagawa niya sa kanyang career.

Hindi nagpahuli ang aktres at nakipagsabayan sa husay at galing ng kanyang leading man na si Piolo Pascual.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo