Mahina Bintahan ng tickets kaya na-cancelled ang concert ni Vice Ganda sa Dubai | Cristy Fermin

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Lovely

Nagbigay ng saloobin ang Showbiz Columnist na si Cristy Fermin tungkol sa pagkaka re-scheduled ng concert ng TV host at komedyanteng si Vice Ganda na gaganapin sa Dubai.

Sa Youtube channel na Showbiz Now Na, napag-usapan nina Cristy, Romel at Morly ang nasabing concert ng It's Showtime host. Una nang napapabalita ang pagkaka re-scheduled ng concert ni Vice na dapat sanang gaganapin sa darating na July ngunit nalipat na sa August.

May kinalaman umano sa pagkamatay ng Hari ng Dubai ang nasabing pagkaka-postpone ng show.

Ngunit sa naging pahayag ni Cristy sa kanyang Youtube vlog, tila iba ang totoong dahilan.

 Ayon kay Cristy Fermin, sinabi ng kanyang source na napakatagal ng naninirahan sa Dubai, na tila ginagawang tanga ni Vice ang mga OFW's at mga Pinoy sa Dubai. Ang totoo umano ay hindi naman kinansela ang mga shows doon. Hindi rin niresheduled tulad ng kay Vice Ganda.

Ibinahagi pa ng Kolumnista na may mga foreign artists na tuloy pa rin ang mga shows doon.

"Hindi po totoong nirescheduled dahil alam naman natin na ang kultura ng Muslim na kapag pumanaw ito ay kailangan ding ilibing sa parehong araw. Ang pagmo-mourn po ay tumatakbo lang sa isang linggo at puro dasal na iyon. Ginawa po iyon ni Vice dahil hindi gumalaw ang ticket sales."

Nang tanungin naman si Cristy kung bakit mahina ang bentahan ng tickets, sinabi ni Cristy na may kaugnayan ito sa katatapos lamang na halalan sa Pilipinas.

Matatandaang isa si Vice sa mga celebrity endorser ni Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka presidente ng bansa. Karamihan umano sa mga Pilipino sa UAE ay sumusuporta sa UniTeam ang tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Kung may bumili man umano hindi ito sapat upang ipagpatuloy ang concert. Ayon pa kay Cristy sana umano ay hindi na lamang nagsalita si Vice ukol sa dahilan ng pagkaka re-scheduled ng kanyang concert.

"Kasi para gamitin mo ang pagkamatay ng isang hari at gamitin mo 'yung mourning period, hindi maganda iyon. Ano ba naman kung aminin niya sa sarili niya na ang ayaw niyang ihayag sa publiko na hindi gumalaw ang ticket. Kawawa ang producer sana'y hindi nalang siya nagsalita sa Showtime na napanood ng ating mga kababayan sa Dubai. Atleast, malinis 'yung kartada niya," pahayag ni Cristy Fermin.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo