Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong post ni Angelica Jane Yap aka Pastillan Girl. Ito'y matapos niyang magpost tungkol sa pagtutuos.
Ito ang inaabangan, hindi lamang ng mga netizens kundi maging ng kilalang vlogger na si Makagago.
Matatandaang, prangkang kwinestiyon nito ang katapatan ni Flow G sa kanyang karelasyon na si Pastillas Girl. Sa isa sa kanyang mga vlog naglabas siya ng resibo umano na nagpapatunay na babaero rin si Flow G katulad ng kaibigan nitong si Skusta Clee.
Agad naman itong ipinagtanggol ng girlfriend na si Angelica Yap. Dito nagsimula na ang palitan ng patutsada nina Pastillas Girl at Makagago.
Samantala, nagpost si Angelica ng papunta na umano tayo sa exciting part. Ngunit, isang araw ang nakakalipas, nanatiling tahimik si Angelica kaya naman tila hindi na makakapaghintay si MG at naghamon, na kung hindi pa magbibigay ng update si Angelica ay siya na lamang ang maglalabas ng something.
Sinabihan pa ni MG si Pastillas Girl na huwag kabahan dahil papunta na tayo sa exciting part.
Maging ang isa pang Tiktoker at sikat na online personality na si Sachna ay hindi rin nakaligtas sa intriga. Siya ang pinagbibintangan ni Pastillas Girl na source ni Makagago.

Ang mga post na ito ni MG ay nagviral sa social media. Kaya naman tila hindi na nakatiis si Pastillas Girl at muling nagparamdam. Makikita sa post ni Angelica Yap na tila handa na itong makipagtuos.
"Bukas tayo magtutuos," ani ni Angelica na may kalakip pang Tiktok video.
Umani naman ng samu't saring reaction ang nasabing post ni Angelica.
May ilang netizens na nagbigay ng payo kay Angelica na huwag na lamang ipaglaban na loyal si Flow G at tanggapin na lamang na may side chic ito. May nagtatanong rin kung bakit bukas pa?
Sagot naman ni Angelica, "huwag excited mga chismosa."
Agad namang sinagot ni MG ang palabang post na ito ni Angelica Yap.
Sa lumalalim na alitan sa pagitan ng dalawang online personalities, kailan at paano nga ba ito magtatapos?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!