Marami Ang Nabahala! Robin Padilla Isinugod Sa Hospital Ng Spain Dahil Sa Nangyari Sa Kanya

Huwebes, Hunyo 2, 2022

/ by Lovely


Marami ang nagulat sa nangyari ng aktor at senator elect na si Robin Padilla. Napag-alaman na matapos ang stressful campaign period ng alection ay nagdesisyon si Robin kasama ang kanyang buong pamilya na magbakasyon sa Spain upang makapagrelax muna bago bumalik sa trabaho at maupo bilang senador.

Ngunit ang dapat sana'y relax at masayang bakasyon nina Robin at ng kanyang pamilya ay nabahiran ng pag-aalala.

Sa social media post ng aktor ibinahagi niya ang nangyari sa kanya sa Spain dahilan para isugod siya sa Hospital. 

Ayon kay Robin, habang kasama niya ang ilang miyembro ng kanyang pamilya sa pamamasyal sa Spain habang nasa isang ride si Mariel at kanilang anak bigla nalang umanong nanghina ang kanyang tuhod at nagdilim ang kanyang paningin. Dahilan para bumagsak siya sa isang puno sa kanyang likuran.

Hilong-hilo umano siya sa mga oras na iyon at makailang ulit ring nangyari na nawawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Minsan bumibigat na rin ang kanyang dibdib. Kaya naman agad umano siyang naghanap ng clincic upang magpa-check up.

Sa nasabing clinic, napag-alamang tumaas ang blood pressure ng aktor 200/150. Kaya naman nagdesisyon si Mariel na dalhin na siya sa hospital. Sumailalim sa iba't-ibang test si Robin Padilla para masiguro kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.

Malaki naman ang kanyang pasasalamat dahil normal naman ang lahat ng resulta sa mga ito. Bumaba naman ang blood pressure niya at binigyan na lamang siya ng gamot para maagapan kaagad ito sakaling muling tumaas.

Labis na nag-alala ang pamilya ni Robin sa nangyari sa kanya. Maging ang kanyang mga supporters ay nag-aalala rin nang mabalitaan ang pangyayaring ito.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagpapagaling mula sa mga fans at followers nito. Hiling din nila na sana hindi na mauulit ang nangyaring ito sa aktor.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo