Matatandaang na naging sentro ng usapan noon ang pansamantalang pag-alis bilang host ng Magandang Buhay ni Ms. Karla Estrada. Ito'y upang mabigyan daan ang kanyang pagtakbo bilang third nominee ng isang party-list sa nakaraang halalan 2022.
Ngayong tapos na ang eleksyon at nanalo ang kanyang sinusuportahang party-list, tanong ng kanyang mga tagahanga, ano kaya ang plano ni Ms. Karla sa kanyang showbiz career? Kung babalik pa ba ito bilang host ng Magandang Buhay?
Matatandaang naging usap-usapan ang Instagram post ni Karla Estrada. Kung saan ibinahagi niya ang isang larawan mula sa set ng Magandang Buhay. Makikita sa nasabing post ang kasamahan niyang host ng nasabing show. May caption itong, ang pamamaalam.
Ito ang pinag-ugatan ng isyung, matapos ang anim na taon tuluyan nang aalis si Karla bilang main host ng Magandang Buhay.
Ayon sa isang article, kinumpirma na mismo ng kampo ni Karla Estrada at ng ABS-CBN management na hindi na magpapatuloy si Karla sa pagiging host. Ito umano ay upang pagbigyang daan ang tuluyang pagiging public servant.
Nais umano ni Karla na mag-focus sa mga gawaing pampulitika bilang bahagi ng Tingog Party-list. Sa ngayon, ay wala pang kumpirmasyon kung kailan ipapalabas ang huling episode kung saan makakasama si Karla Estrada sa huling pagkakataon bilang host.
Wishing for the best para kay Karla Estrada ang kanyang mga tagahanga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!