Maxene Magalona Iyak Ng Iyak Sa Kanyang Video, Publiko Nabahala!

Miyerkules, Hunyo 29, 2022

/ by Lovely

Pag-iyak ni Maxene Magalona sa social media ikinabahala ng ilang mga netizens.

Marami ang nagulat at nag-alala ng makita ang latest Instagram post ni Maxene Magalona ngayong araw, myerkules June 29.

Sa videong kanyang ibinahagi, makikita ang mga video niyang umiiyak at tila may mabigat na pinagdadaanan. Walang sounds ang nasabing video at tanging kanta lamang ni Adele na Easy On Me ang maririnig sa background. Kalakip ng nasabing video ang caption na inilagay ni Maxene,

 "Go easy on me, baby. I was still a child. Didn't get the chance to feel the world around me. I had no time to choose what I chose to do. So go easy on me.” — @adele
Current mood #feels #reels #forreals #itsokaynottobeokay"



Base sa caption ni Maxene tila isa ito sa mga araw na nalulungkot siya ngunit walang magawa kundi iiyak ito.

Ang pag-iyak ay hindi tanda ng kahinaan, ito'y nagpapakita ng katapangan dahil tanggap mo sa sarili mo na hindi mo na kaya. Ang pag-iyak ay hindi nangangahulugan na tayo ay mahina.

Bumuhos naman ang mga komentong pagpapatatag ng loob ang naturang IG post ni Maxene mula sa kanyang mga followers at kaibigan sa industriya.

Matatandaan sa mga nakaraang interview inamin ni Maxene na matindi ang pinagdaanan niyang fear and anxiety. May pinagdadaanan umano siyang mental health issue.

Sa kabilang banda, nananatiling tikom ang bibig ni Maxine sa balitang, hiwalay na umano sila ng kanyang asawang si Rob Mananquil. Wala pa silang inilalabas na official statement hinggil satunay na estado ng kanilang relasyon.

Ikinasal sina Maxene at Rob noong 2018. Kumalat ang balitang naghiwalay na sila matapos nilang mag-unfollow sa isa't-isa sa social media ilang buwan ang nakakalipas.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo