Viral ngayon sa social media ang video ng pag-iyak ni Maxene Magalona. Umani rin ito ng samu't-saaring komento mula sa mga netizens. Kaya naman agad na nag Instagram live si Maxine upang ipaliwanag sa kanyang mga supporters ang totoong dahilan ng kanyang ibinahaging video.
Ayon kay Maxene sa kanyang IG live,
"Life is more beautiful when we learn how to deal with our pain. When we learn how to process.."
Kailangan umanong harapin ngayon 'yung pain and struggles para kung maranasan mo ulit iyon mas magaan na at hindi na gaano kasakit. Ayon pa sa kanya, "Pain and failure is always a part of life."
Ipinalabas lamang umano ni Maxene ang nararamdaman niya at ayaw niyang ipunin na lamang iyon sa kanyang kalooban.
"The details are not important, my story is different from your story but the pain is the same. The suffering is the same."
Sagot ni Maxene sa isang netizen na nagtanong kung ano ang nangyari. Sabi nito, hindi siya naglive para idiscuss at pag-usapan ang mga nangyari sa kanyang buhay kung bakit siya nasasaktan bagkus ay ginawa umano niya ito to hold space for each other. Pakikiramay umano ang gusto niya at hindi pakiki-chika.
Hindi umano kailangan ng aktres ang mga tanong kung bakit siya malungkot at kung anong nangyari. Mas kailangan umano nito ang mga taong naroon without asking any information.
Nais lamang umano niya ng kindness and someone who could offer it to her. Nagbiro pa ito at sinabing,
"Kasi, kayo hindi ko naman tinatanong kung ano ang nangyari sa inyo di ba?"
Pagpapatuloy pa nito, mas masarap sa pakiramdam kung ilalabas ang lahat ng lungkot at iiyak na lamang ito. Nagpayo rin ito sa lahat ng gustong ilabas ang mga sakit na itinatago. Sabi niya, nakakatulong ang pakikinig ng mga sad music para pagpapalabas ng emotions.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!