Melai Canteveros May Patutsada Nga Ba Kay Karla Estrada? Hingil Sa Tunay Na Kaibigan Alamin!!

Sabado, Hunyo 18, 2022

/ by Lovely

Melai Cantiveros may pinapatamaan nga ba sa komento? Sa kanyang Instagram makikita ang post ni Melai Cantiveros. Makikita sa comment section ang sinasabing komento na Melai tungkol sa kanyang tunay na kaibigan.

Ang nasabing post ni Melai ay limitado lamang ang maaring magcomment.



Marami ang nakapansin na laging active sa pagkokomento sa mga post ng bawat isa sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Matatandaang active din silang nagkokomento sa mga post noon ni Karla Estrada ngunit  ng magsimula ang campaign period noong nakaraang halalan at nakitang iba ang sinusuportahan ni Karla ay tila nagalit na sila rito.

Hinuha tuloy ng mga netizens na matindi ang naging tampuhan ng tatlo. Tila naapektuhan ng malaki ang kanilang pagkakaibigan dahil sa election.

Sa pagsasabi ni Melai na sila lamang ang tunay na magkaibigan, tila sinasabi nito na hindi tunay na kaibigan si Karla dahil iba ang sinusuportahan nitong kandidato sa sinusuportahan nila.

Hiling naman ng mga tagahanga nila na sana'y dumating ang panahon na magkakapatawaran ang mga ito. Hindi pa man sa ngayon dahil sariwa ang nangyari ngunit sana'y balang araw ay mangyayari ito.

Matatandaang, tinanong si Karla noon kung kailan siya babalik sa show nilang tatlo. May mga nagkomento naman na mas mabuti pang hindi muna ito babalik dahil okay naman si Regine at upang hindi masyadon nabu-bully si Melai.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Karla Estrada kung babalik pa siya sa show o hindi na. Busy ngayon si Karla Estrada sa kanilang businesses kasama ang anak na si Daniel Padilla.

Kabaliktaran naman sila sa pagkakaibigan nina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales. Nananatili pa rin ang pagkakaibigan ng mga ito, magkaiba man ang kanilang sinusuportahang kandidato. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo