Meron Na! Kylie Padilla Matapang Na Inamin Nakikipag-date Na Sa Isang Lalaki

Miyerkules, Hunyo 1, 2022

/ by Lovely


Halos isang taon na ang nakalipas matapos maging maingay ang paghihiwalay ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. 

Matatandaang third party ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Hindi inakala ng mga nakasaksi sa pagmamahalan ng dalawa na mauuwi ito sa hiwalayan.

Samantala, tila tanggap na ng dalawang partido at ng mga tagahanga nito na hanggang doon na lamang ang kanilang pagsasama. Lalong lalo na't usap-usapan sa buong mundo ng showbiz na may bagong nang karelasyon si Aljur Abrenica.

Sa kabilang banda, sa isang podcast interview ng news anchor na si Nelson Canlas sa aktres na si Kylie Padilla, natanong nito kung kumusta na ba ang kanyang buhay pag-ibig.

Matatandaan na sinabi noon ng aktres na ready na siyang mainlove muli. Matapang naman ang pag-amin nito tungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Ayon mismo kay Kylie Padilla nang tanungin kung siya ba ay currently dating? Sagot ng aktres, 'Yes, I am dating'. 

Diretso ang sagot ni Kylie na siya ay nakikipag-date ngayon. Hindi naman binanggit ni Kylie kung sino ang lalaking ito. Nais umano ng aktres na i-private muna ito sa ngayon.

Hindi man pinangalanan ni Kylie ang taong nakaka-date niya ngayon, makikita naman sa awra nito na masaya siya sa kanyang buhay at love life. 

Masaya naman ang mga tagahanga ni Kylie para sa kanya ngunit payo ng ilan sa aktres na huwag na itong magmadali. Kilatisin muna umano ng maigi ang taong nagnanais na pumasok sa kanyang buhay.

Samantala, ayon kay Kylie wala pa umano sa isip niya ang muling pagpapakasal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo