Hindi inaasahang bumulusok sa stage ng Miss Global 2022 sa Bali, Indonesia ang isa sa guest ng naturang show na siyang nagsash at nagkorona sa Miss Global 2022 3rd runner up winner na si Miss Lithuania.
Bumulusok pababa ang naturang guest at sa lakas ng bagsak ay nahirapan ngang umangat at kinakailangan pa itong iangat ng ilang crew. Makikita rin na hirap sa paglakad ang biktima kung kaya't binuhat na lamang ito para makaalis sa stage.
Nasaktan man, swerte pa rin maituturing at hindi ang kandidatang naka-heels ang bumagsak. Pag nagkataon, isa itong malaking problema para sa mga organizers ng naturang shows.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!