MOIRA DELA TORRE IYAK ng IYAK NGAYON DAHIL SA HIWALAYAN NILA NI JASON HERNANDEZ

Miyerkules, Hunyo 1, 2022

/ by Lovely

Ginulat nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre ang kanilang mga fans nang inanunsyo ng mga ito na hiwalay na sila. 

Matatandaan na unang napabalita ang kanilang hiwalayan noong nakaraang buwan ngunit agad naman nilang pinabulaanan at sinabing maayos ang kanilang pagsasama.

Sa gitna ng kontrobersiyang pinagdadaanan nila tanong ng mga netizens, kung kumusta kaya ang singer na si Moira Dela Torre.

Viral ngayon ang video ni Moira habang nakaupo at tila malalim ang pinagdadaanan dahil emosyunal itong nagpupunas ng luha. Ayon sa mga netizens, ang videong ito ay kuha nang mag-mall show siya sa BGC. Komento pa ng isang netizen, parang may meeting si Moira with Cornerstone people.

Laman ng balita ngayon sina Jason at Moira dahil alam naman ng lahat na sila ay isa sa mga tinaguriang power couple sa mundo ng showbiz.

Mag-bestfriend sina Jason at Moira bago naging magkarelasyon at ikasal. Tumagal naman ng tatlong taon ang kanilang pagsasama at ayon pa kay Jason, mahal na mahal niya ang kanyang asawa.

Sa gitna ng isyung kinasasangkutan nila may nag-iintriga pa na ang dahilan umano ng kanilang hiwalayan ay lalaki ang gusto ni Jason Hernandez.

Kumakalat ngayon sa mga social media platforms ang pang-iintriga ni Xian Gaza kung saan nagbahagi ito sa kanyang Facebook account ng mga post patungkol kay Jason Hernandez. Sinabi ni Xian sa mga nasabing post na lalaki ang gusto ni Jason Hernandez at nagbahagi pa ng isang larawan na may katabing lalaki si Jason.

Komento naman ng ilang mga netizens na hindi talaga natin malalaman ang susunod na mangyayari sa buhay ng mga tao. Napakatahimik umano ni Moira kaya walang nag-aakala na may pinagdadaanan na pala ito sa buhay kaya umano siguro masasakit at may mga hugot ang kanyang mga kanta.

May mga nagbigay naman ng lakas at nagsasabing magpapakatatag lamang ito at tiyak lilipas din at malalagpasan din nila Jason at Moira ang kinakaharap na pagsubok.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo