Maging ang mga videos nila sa TikTok ay binura na din nito at tinanggal rin ni Moira ang apelyido ng asawa na Hernandez sa kanyang Facebook account.
Nawala rin naman agad ang balitang ito matapos sabihin ng mag-asawa na maayos ang kanilang pagsasama.
Matatandaang nagpost si Moira ng picture kasama ang vlogger na si Mimiyuuh habang kumakain at itinag pa ni Moira si Jason dahil ito umano ang paboritong pagkain ng asawa.
Sa Twitter account naman ni Jason ay nagbahagi ito noon ng mensahe upang matigil ang mga speculation ng mga tao na naghiwalay sila.
Ayon sa post noon ni Jason,
1. We're still married
2. Hindi nangaliwa si Moira
3. We both support Ms. Leni
4. Walang nag nakawan ng pera
5. God is good
Unang nagkakilala si Jason at Moira noong college, naging mag-bestfriend hanggang sa humantong sa pag-iibigan. Taong 2018 nang magpropose ng kasal si Jason kay Moira sa sumunod na taon ay kinasal ang dalawa.
Walang nag-aakalang hahantong sa hiwalayan ang dalawa dahil ayon sa mga sumusubaybay sa mag-asawa ay couple goals na matatawag ang kanilang relasyon.
Samantala ayon sa isang malapit na kaibigan ni Moira, halos dalawang buwan nang hindi nakatira si Moira sa bahay nila ni Jason. Pinabulaanan ng mga kaibigan ni Moira na lalaki ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.
Samakatuwid, hindi totoo ang mga kumakalat ngayong mga balitang bakla umano si Jason Hernandez.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!