Mon Gutierrez Todo Na Sa Pagladlad Ipinakilala Ang Boyfriend

Sabado, Hunyo 25, 2022

/ by Lovely

Kambal ni Richard Gutierrez na si Ramon Gutierrez nagladlad at ipinakilala sa buong mundo ang kanyang minamahal na boyfriend. Nagreact na rin ang kanyang mga kaibigan at pamilya sa pag-amin na ito ni Mon.

Si Ramon Gutierrez ay kakambal ni Richard Gutierrez. Anak nina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez. Nakababatang kapatid ni Ruffa Gutierrez, na very supportive sa kanyang pagladlad. Bagama't hindi siya isang artista, kilala siya sa social media at noon pa man, napag-uusapan siya ng ilang mga netizens na member umano ng LGBT group.

Walang nagsalita mula sa kanilang pamilya hinggil sa mga rumors noon. Ngunit, nalinawan ang lahat  ng mismong si Mon na ang naglantad sa kanyang totoong katauhan. Nangyari ang kanyang pagladlad sa pamamagitang ng Mega Entertainment Magazine na may pamagat na My Coming Out Story.

Ayon kay Mon, open secret na ang kanyang sexuality sa pamilya. Naintidihan na umano ng kanyang pamilya kung sino siya bago pa man siya nagsabi.

Ngayon, June 25, 2022 ipinakilala na ni Mon ang lalaking bumihag sa kanyang puso. Sa isang larawan, makikita silang naka-holding hands sa tabing dagat. Ang lalaki ay mukhang foreigner at makikita naman na good looking ito.



Sa isa pang larawan, mapapansin ang sweetness nila bilang isang magkarelasyon dahil makikita silang naghahalikan at magkayakap. May caption itong, "Celebrate your love! Happy pride, Philippines."

Marami ang humanga sa pagpapakatotoo ni Mon kabilang na ang kanyang pamilya. Unang nagbigay ng positibong komento ay ang kanyang kakambal na si Richard Gutierrez, sinabi nitong masaya siya para sa kanyang kapatid na si Mond. Si Janine naman ay nag-iwan sa comment section ng mga heart emojis bilang pagsang-ayon sa nasabing post.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo