Muling Nagpatama Si Zeinab Harake Sa Ex Partner Nya Na Si Skusta Clee?!

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Lovely


Mukhang sapul na naman si Skusta Clee sa latest TikTok video ni Zeinab Harake. Magmula ng muling maghiwalay sina Skusta Clee at Zeinab, nagpalitan na sila ng pasaring para sa isa't-isa.

Bilang mga social media personality, idinadaan din nila rito ang kani-kanilang hinaing at nainvolve na rin ang mga fans nila.

Katakot-takot na pambabash at nakatikim din si Skusta ng cancel culture mula sa mga fans ni Zeinab. Naganap ito sa ilang dinaluhang event ni Skusta Clee.

Matatandaang nag-release ng bagong kanta si Skusta Clee na pinamagatang Gaga. Hinuha ng marami, na tila patama kay Zeinab ang mga lyrics ng kanta. Kaya naman, muling nakatanggap ng negatibong komento mula sa mga netizens ang OPM Rapper.

Samantala, usap-usapan ngayon ang isang Tiktok video ni Zeinab na ibinahagi ng manager nilang si Jhay Isidro. Sa nasabing video, dina-dub ni Zeinab ang isang kanta na may lyrics tungkol sa taong nagsabi noon sa kanya na hindi niya kayang mag-isa pero ngayon ang taong nagsabi noon ay mag-isa nalang.

Marami ang nagsasabing, bagay na bagay ang lyrics na patama para kay Skusta. Saktong-sakto kasi umano ang mga lyrics nito sa nangyari ngayon sa mang-aawit at kay Zeinab.

Marami naman ang nakapansin sa umanong pagiging blooming ngayon ng vlogger. Mas naging blooming umano ito ngayon na nawala na ang sakit ng ulo niya.

Matatandaang nagpost ito tungkol sa katatapos lamang na father's day. Binati niya ang mga tunay na tatay at saludo umano siya sa kanila at maging sa mga single mommies na tunay na malakas. Hindi umano nila kailangan ng isang okasyon para magpaka nanay o tatay.

Boung post ni Zeinab,

Happy father's day sa mga tunay na tatay jan saludo sa inyo at sa mga single mommy jan tayo ang tunay na malakas hindi natin kailangan ng okasyon para mag paka nanay/tatay MAGULANG sa anak natin araw-araw 🤍💖💖

ps: thankyou sa mga daddy na to grabe pag mamahal nyo samin mag ina kayo lang sapat at masayang masaya na kami the best kayo



Matatandaang bumati rin si Skusta Clee ng Happy father's day sa lahat ng mga ama na umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo