Nagbabala Si Makagago Kay Angelica Yap! Baho Ni Angelica Inilalabas Ni Mg!

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Sparkle

 


Makagago, ibinulgar ang baho ni Angelica Yap aka Pastillas Girl.

Sentro ngayon ng kontrobersiya ang magpartner na si Flow G at Angelica Yap aka Pastillas Girl. Ito ay matapos na sila naman ang pagbalingan ng mga netizens at maging si Mark Jayson o mas kilala sa tawag na Makagago. 

Ngayon ay talaga namang hindi nagpapapigil sa mga inilalabas na baho umano ng magpartner. Nauna na niyang sinabing nakapanig siya sa vlogger na si Zeinab Harake na ex-partner ng rapper na si Skusta Clee.

Ang magpartner na si Angelica at Flow G ang napagbabalingan ngayon matapos ngang buong confident na sinabi ni Angelica Yap na walang bahid o dumi ang kanyang partner.

Inalmahan ito ng mga netizens at maging si Makagago ay sumawsaw sa isyu. Kahit nagsabi si MG na maglalabas ng resibo, nagpost si Angelica Yap sa kanyang social media na nagpapahiwatig na hindi siya natatakot.

@angelicajyap

🤭

♬ original sound - Mr. Chic

Hinuha ng mga netizens, para kay MG ang post na iyon. Kaya naman, naglabas na nga ng mga screenshots si MG at mababasa dito ang pakikipag-flirt ni Flow G sa babaeng hindi naman pinangalanan.

Matapos nga 'yon, kaagad namang rumesbak si Angelica Yap at sinabing "Ako naman? Papunta palang tayo sa exciting part." 

Kaagad naman nagviral ang post na 'yon ni Angelica Yap at umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at maging sa mga online personalities. 

Ilang sandali lang nga ang nakakaraan, kaagad ding rumesbak si MG. "Sige, ikaw naman. Tapos, ako ulit, para sa knock-out round."

Tila nakaka-intriga rin ang sunod na naging pahayag ng vlogger. Sinabi nito na may hilig palang makipagrelasyon ng sabay si Angelica Yap sa dalawang lalaki at madalas, artista pa.

Narito nga ang kabuuan ng kanyang naging post. 

Lahat ngayon ay naka-abang sa kung ano nga ba ang magiging aksyon ni Angelica Yap at kung ano ang magiging tugon dito ni MG. Kung kayo ang tatanungin, ano ang masasabi nyo ukol dito? 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo