Naging Reaksyon Ni Ruffa Gutierrez Sa Pag Papakilala Ni Mond Sa Kanyang Foreigner Boyfriend, Alamin

Sabado, Hunyo 25, 2022

/ by Lovely

Ruffa at Richard Gutierrez todo suporta kay Raymond sa pagpapakilala sa pubkiko ng kanyang foreigner boyfriend.

Araw ng sabado, June 25, 2022 nagpost si Raymond ng couple picture nila ng nobyong si Robert William. Ito ang unang beses na pinangalanan at ipinakita sa publiko ang karelasyon.

Sa unang picture, makikitang magkaholding hands sila sa tabing dagat. May ilan din silang litrato na magkayakap at naghahalikan.

Noon lamang June 1, 2022 sa padcast ni Wil Dasovich, unang isinapubliko ni Raymond ang pagkakaroon ng karelasyon sa hiwalay na kwentuhan nila ni Dra. Vicky Belo. Noong June 12, ikwinento ni Raymond ibinulgar ni Raymond na ang trabaho ni Paymond ay nasa world of law.

Nagkakilala umano sila sa isang dinnerna hinost ng common friend nila na taga Miami. Instant attraction daw ang naramdaman nila sa isa't-isa. 

Bahagi ng pahayag ni Raymond,

"I think we had chemistry and like, you know, the connection was there. And, that's not something that you get that quickly. You dont really get it so fast. And I've met a lot of amazing guys in LA but that's instant connection was not there. And, I think that's the reason why I stayed single for too long. It's because that's what I've been looking for."

Opisyal na umamin si Raymond bilang proud member ng LGBTQIA community sa isang magazine cover noong August 2021.

Ang Instagram post ngayon ni Raymond ay umani ng mga pagbati mula sa kanyang pamilya maging sa mga kaibigan sa showbiz industry. Una na riyan ang suporta mula sa kakambal na si Richard Gutierrez. Hindi rin nagpahuli sa pagsuporta kay Mond ang kanyang one and only ate na si Ruffa Guutierrez.

"Wow!! You finally have a love life! Congrats, Mond!," komento ni Ruffa.

Maging ang kanyang mga pamangkin ni sina Lorin at Janine Gutierrez ay nag-iwan ng hearts emojis sa comment section ng kanyang post.

Tanong naman ng ilan, kung kailan nila ito mame-meet in person.

Matatandaan na hindi nagbigay ng maraming impormasyon si Raymond patungkol sa kanyang boyriend sa panayam nito kay Jessica Soho. Ayon  kay Raymond, isang private person ang nobyo na naka-base sa LA.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo