Naglabas Ng Ebidensya Si Rabiya Mateo Na Walang Hiwalayang Magaganap Sa Gitna Ng Kontrobersiya!

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales kung saan may kahalikan itong isang lalaki. Kasabay nito, kumakalat rin ang balitang hiwalay na sila ng girlfriend na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Base sa mga kumakalat ngayong mga litrato, may kahalikang lalaki si Jeric Gonzales. May larawan din na magkatabi ang mga ito at makikita ang tila couple ring nila.

Ayon sa komento ng mga netizens, may nagsasabing si Jeric talaga ang nasa nasabing larawan ngunit ayon naman sa iba na edited ito.

Ayon sa mga fans ni Jeric, hindi umano kailangang bigyan ng malisya ang mga larawang ito. Kuha umano ang mga ito sa isang Indi Movie na ginawa noon ng aktor.

Kasunod nito, nagpost naman sina Rabiya at Jeric sa kani-kanilang social media accounts ng kanilang sweet photo na tila nagpapahiwatig na hindi totoo ang mga bali-balitang naghiwalay na sila.



Sa Instagram ni Rabiya, ibinahagi niya ang isang sweet moment nila ni Jeric. Nirepost naman ito ng aktor sa kanyang IG story. Bukod sa nasabing post nagbahagi rin ang beauty queen ng isang lyrics ng kanta at itinag pa rito ang nobyong si Jeric.

"Cause I wanna love you for good. For good or for bad, when times get mad. A nd when we fight and I wanna love you for good. For good or for bad, when you make me mad," pagbabahagi ni Rabiya sa kanyang Instagram.

Hinuha ng kanilang mga tagahanga ito na ang sagot ng couple sa kinasasangkutang kontrobersiya ngayon.

Kamakailan, inamin ni Rabiya na ibang klase siya kung magmahal. All out umano siya pagdating sa pag-ibig.

Tila tinuldokan na ng dalawa ang mga bulong-bulungan na sila'y hiwalay na.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo