Nakakaawa! Kris Aquino Nagbibiyak Biyak Na Ang Balat at Nagsusugat, Inaming Hirap Na Hirap Na Siya

Lunes, Hunyo 20, 2022

/ by Sparkle

 

Hindi pa pala nagsisimula ang gamutan kay Kris Aquino na kasalukuyang nasa Houston, Texas ngayon dahil chini-check nila ang vital signs nito kung ano ang kayang tanggapin ng kanyang katawan.

Ito ang latest update ni Nanay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na. Isang source ang nagkwento na ito yung hospital na nasa kabilang building ng facility dahil kailangan muna niyang sumailalim sa examination ng kanyang vital sign.

"Kailangan naman talaga yun", kwento ng beteranang manunulat at vlogger. "Vital signs muna ang chini-check-up, kung ano ang kaya o kung ano ang hindi. Unang-una si Kris, hindi pwede sa steroids. Ang epekto sa kanya ng steroids ay nabibiyak-biyak ang kanyang balat, nanghihina, at bumabagsak", sagot ni Nay Cristy.

Opinyon naman ni Romel, "Kung baga hinold muna sya roon para tingnan kung saan sila, mga doktor, magsisimula."

"Oo, kasi baka sumablay", sambit ni Morly. 

Kaya ang panawagan nina Nay Cristy, Romel at Morly ay patuloy ang panalangin para kay Kris Aquino. "Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig at nakakarating sa langit", say ni Nay Cristy.


Walang binanggit kung anong petsa nakaalis si Kris patungong Houston, Texas sakay ng pribadong eroplano na ayun kay Nanay Cristy, ay milyones ang inabot na gastos pero okay lang, basta sa ikagaganda ng kalagayan ng Queen of All Media. 

Sa kasalukuyan, wala pa ring post si Kris sa kanyang social media accounts kaya sa pamamagitan nalang ng Youtube channel na Showbiz Now Na nakakakuha ng updates ang mga tagahanga na nag-aalala sa kanya dahil may direct contact si Nanay Cristy Fermin sa taong may alam kung anong nangyayari sa mama nina Joshua at Bimby. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo