Nakakaawa! Kris Aquino Naghahabol Na Para Malunasan Ang Kanyang Malubhang Karamdaman

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely

Kris Aquino naghahabol na para malunasan ang kanyang malubhang karamdaman.

Matagal nang hindi naglabas mismo ng update si Kris Aquino tungkol sa kasalukuyan niyang kalagayan. Huli niyang update para sa kanyang mga tagahanga ay noong inanunsyo niya na papunta na siya sa ibang bansa at pansamantalang nagpaalam. Inamin din ni Kris na ang kanyang kinakaharap ay isang rare disease.

Sa latest upload ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, napag-usapan nila si Kris Aquino kalakip  ang magandang balita ukol sa health conditions nito.

Kumpirmadong magtatagal sa Houston Texas si Kris, aabutin umano ito ng mahigit isang taon. Mamamalagi roon si Kris habang nagpapagaling at nagpapagamot. Ayon pa kay Ogie, sabi ng kanyang source na nagrerespond naman ng maayos si Kris sa mga treatment na ginagawa sa kanya.

Nauna nang nagpaalam si Kris sa kanyang mga followers na matagal siyang mawawala dahil naghahabol sila ng oras upang maagapan at malunasan pa ang kanyang mga sakit.

"Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart."

"For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok."

Handang lumaban sa kanyang mga sakit si Kris alang-alang sa dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo