Ang a Family Affair ay tungkol sa nasirang tiwala at pagmamahalan ng isang pamilya dahil sa pagpapadala sa tukso na naging resulta ng pagloloko.
Sa ginanap na media conference kamakailan para i-promote ang pagsisimula ng nasabing serye, natanong si Gerald Anderson tungkol sa tema nito.
Nang naitanong sa binata kung kaya pa bang pagkatiwalaan muli ang mga taong nanloko o kung maibabalik pa ba ang tiwalang nawala sa isang relasyon ng dahil sa cheating?
Matapang at deretsong sagot ni Gerald, mahirap kapag ang tiwala na ang masira sa isang relasyon. Lalo na kung umabot na ito sa point kung saan nag-cheat na ang isa.
Hindi naman umano imposible na magsama pang muli ang magkarelasyon na kinaharap ang cheating issue pero kailangan umanong patunayan ng nanloko ang kanyang sarili.
Ayon mismo sa binatang aktor,
"That's hard kasi nasira na 'yung trust. Kumbaga may lamat na."
Para kay Gerald Anderson, pinaka importante na hindi kaagad maghihiwalay ang magkarelasyon kung maharap man sa ganitong klaseng sitwasyon. Naniniwala umano ito na ang pinaka importante ay ang pananatiling magkasama.Kahit pa hindi magiging madali iyon.
Payo pa ni Gerald para sa mga taong nanloko at minsang nadala sa tukso.
"You just have to earn the trust again. Start from zero, hindi lang zero, negative pa 'yan di ba? Kailangan mo muli patunayan ang sarili mo."
Dahil sa mga naging pahayag na ito ni Gerald Anderson, maraming mga netizens ang na-intriga at napakomento.
Ang ilan ay hindi natuwa lalo na't kilala itong si Gerald bilang isa sa mga male celebrity na may bansag ng pagiging womanizer. Ang ilan naman ay nasiyahan rito at sinabing malaki ang ipinagbago nito, nag-mature na umano ito lalo na sa pakikipagrelasyon.
Ayon pa sa mga fans nito na umabot na sa punto si Gerald kung saan alam na nito ang mga responsibilities ng pakikipagrelasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!