Nakakagulat Na Rebelasyon Sa Mahabang Panahon Na Pagsasama Ogie at Regine

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Lovely

Nagreact ang singer, song-writer na si Ogie Alcasid  tungkol sa mga balitang kumakalat na nagkakaroon sila ng problema ng asawang si Regine Velasquez.

Sa isang tweet ay nagbigay ng reaksyon ang Kapamilya host. Hindi talaga maiiwasan sa mundo ng showbiz na mapag-uusapan ng karamihan ang tipong hindi nalalayo sa intriga.

Kaya may fans talaga ng isang artista, na kahit maayos naman ang kanilang pagsasama ay hahanap at hahanap talaga ng paraan upang makahanap ng butas at makasira ng relasyon.

Subalit, pinaninindigan ni Ogie na wala silang problema ng asawa dahil ayon sa kanya ay true love ang kanilang relasyon.

Ayon sa post ni Ogie, walang naging problema sa kanilang relasyon at masaya sila sa kanilang pagsasama. Hiling pa nito para sa lahat na makatagpo rin ng kani-kaniyang true love.

Matatandaang, sa nakalipas na ilang buwan ay napapadalas ang nababalitang hiwalayan ng magkarelasyon sa showbiz.

Kamakailan lamang, ay umugong ang balita ng paghihiwalay ng mag-asawang Moira Dela Torre at Jayson Hernandez maging ng ilan pang couples sa mundo ng showbiz.

Agad namang nagbigay ng komento ang ilang mga netizens tungkol sa paglilinaw ni Ogie sa isyu. Hiling ng kanilang mga tagasuporta na huwag sana silang maki-uso sa mga magkarelasyong nagkakahiwalay ngayon. May mga naniniwala rin na matatag ang kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo