Espesyalistang doktor ni Kris Aquino, nagsalita na at sinabing maiksi na ang buhay ni Kris Aquino.
Kasalukuyang nasa Houston, Texas si Kris Aquino para magpagamot ng kanyang karamdaman at mananatili siya roon ng ilang taon bago tuluyang gumaling base na rin sa pagbibigay niya ng update bago siya umalis.
Base sa kwento ni Nanay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na youtube channel, ay isinakay si Kris ng private plane na hindi binanggit kung kanino. Nabanggit din na milyones ang halaga sa pag-arkila ng private plane na kung hindi naman mali si Nay Cristy ay aabot sa 20 or 30 milyon ito.
Anyway, isa rin sa dahilan kung bakit hindi natutuloy si Kris patungo America ay dahil hindi stable ang BP niya, bagay na pinagbabawalan ng kanyang doktor. 12 hours kasi patungong Houston and another 5 hours. Walang may gusto na mga doktor kasi nga baka may mangyari, sila pa masisi.
Nagsalita na po ang espesyalista na Fil-Am na nasa Houston. Nakakatakot nga ang kanyang pagsasalita kasi ang bilin ni Kris, "be honest", na wag magtatago kahit anong detalye at nakalagay na kapag di pa magpagamot si Kris Aquino sa lalong madaling panahon, napaka-iksi nalang ng oras na kanilang tatawirin, kwento ni Nanay Cristy para sa tagasubaybay ng SNN.
Nasambit ng batikang manunulat at vlogger na pumirma ng waiver si Kris na kung anumang mangyari sa kanya sa pagpunta niya sa Houston, Texas ay siya lang ang sisisihin at hindi ang mga doktor niya rito sa Pilipinas. Dahil kung hindi raw nito gagawin ni Kris, ay walang pumapayag sa mga doktor niya na pumunta siya sa ibang bansa. Natatakot silang mga doktor pero pumirma nga naman di ba? So ganun ang nangyari.
Ipagpatuloy pa rin natin ang pagdarasal para sa kanya, bigyan natin siya ng ilang minutong taimtim na panalangin para maligtasan niya itong sitwasyon niya ngayon, panawagan ni Nay Cristy.
Samantala, nagpost naman si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account nitong huwebes na humihiling siya ng panalangin para sa mama nina Joshua at Bimby. Sana naman magamot na si Kris Aquino sa US. Sana naman kayanin niya ang mga medical procedures at tanggapin ng katawan niya ang mga gamot para sa kanyang paggaling.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!