Nakakaiyak! Lovi Poe Nagpasalamat Kay Grace Poe Sa Natanggap Nitong Mana Kay Susan Roces

Miyerkules, Hunyo 1, 2022

/ by Lovely


Hanggang ngayon naninibago pa rin si Sen. Grace Poe sa pagkawala ng kanyang Mommy Susan Roces. Maraming binalikan na masasayang alaala si Sen. Grace Poe sa yumaong Queen of Philippines Movies.

Namimiss na umano ni Sen. Grace ang kanyang Mommy Susan lalo na't ang pinag-uusapan nila ay ang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.

Naikwento rin ni Sen. Grace nang mag-asawa ang mga magulang niya ay isinantabi ng nanay niya ang showbiz career nito para maging may bahay ng tatay niya.

"Mula nang mag-asawa siya, ang naging prayoridad niya ay ang aking ama. Ang kanyang career ay isinantabi niya. Ang ginawa niya, inalagaan niya ang kanyang asawa. Ganoon kamahal ng aking nanay ang aking ama."

Lagi ring sinasabi ng kanyang inang si Susan Roces na si Lovi Poe ay mahal niya at itinuring bilang tunay na anak dahil ito ay anak ng kanyang asawa na si FPJ. 

Kaya naman nang pumanaw kamakailan ang batikang aktres ay labis ring nagluluksa ang anak ni FPJ na si Lovi Poe dahil itinuring na rin niyang pangalawang ina si Susan Roces.

Samantala, pinasasalamatan din ni Lovi Poe ang kanyang Ate Grace dahil sa kabaitan nito sa kanya at hindi ito naging madamot pagdating sa mana.

Ayon sa balita kasama si Lovi Poe sa mga nahatian ng mga naiwang yaman ni Ms. Susan Roces kaya ganoon ang pasasalamat ni Lovi sa kanyang Ate Grace at sa inang si Susan Roces.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo