Nakakakilabot! Noynoy Aquino Nagparamdam Sa Kasambahay Na Si Yolly, Sinusundo Na Ba Si Kris Aquino

Martes, Hunyo 28, 2022

/ by Lovely

Noynoy Aquino nagparamdam sa kasambahay na si Yolly Yebes. Sinusundo na nga ba si Kris Aquino?

Hanggang ngayon nagpaparamdam pa rin umano ang yumaong Dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang kasambahay.

Ayon kay Yolly Yebes na 30 years nang naglilingkod at nagseserbisyo bilang kasambahay ng yumaong dating pangulo, may pagkakataon umano na nararamdaman niya ang presence ni PNoy sa loob ng bahay. 

Madalas, sa panaginip niya nagpapakita ang kapatid ng TV Host-actress na si Kris Aquino. Nagpaparamdam din umano ito sa kasambahay sa ilang hindi maipaliwanag na pangyayari.

“Lumalabas naman po sa panaginip. ‘Yung pagpaparamdam naman, nitong recently lang. Ewan ko kung siya ‘yun ha pero nagpatay siya ng electric fan sa kitchen and may nag-off,” saad ni Yolly.

“Tumingin ako akala ko ‘yung mga boys niloloko ako. Pero wala. Mag-isa lang ako," pagpapatuloy pa nito.



Ayon pa kay Yolly, talagang nakikita niya ang mukha ng dating presidente sa kanyang panaginip. Hindi naman umano siya natatakot bagkus ay natutuwa pa ito sa tuwing nakikita ang amo sa panaginip. Iniisip umano ni Yolly na naroon lang bahay ang yumao.

Nabanggit din ni Yolly na kahit noong nahalal sa pagkapangulo si Noynoy ay nanatili pa rin ang kasimplehan nito. Hindi umano nagbago ang ugali nito sa kabila ng pagkakahalal bilang pangulo ng bansa.

Matatandaang pumanaw si dating Pangulong Noynoy Aquino, noong June 24, 2021. Naging pangulo siya ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo