Nakakalungkot! Nora Aunor Ganito Pala Ang Kalagayan Ngayon Sa Hospital!

Biyernes, Hunyo 24, 2022

/ by Lovely

Sa awarding nights ng mga artistang nagpamalas at patuloy na nagpapamalas ng kanilang galing at husay sa industriya, isa ang Superstar na si Nora Aunor sa mga nakatanggap ng parangal. Hinirang bilang isa sa mga National Artist Awardee si Ms. Nora Aunor dahil sa patuloy niya pag-exceel sa larangan ng pag-arte.

Sa kanyang pag-arte sa loob ng mahigit dalawang dekada tila hindi pa rin kumukupas ang galing niyang pang-Superstar. Pero ang dapat masayang awarding night na ito para sa Superstar at para sa kanyang solid fans ay napalitan ng pag-aalala.

Hindi nakadalo sa nasabing event si Nora Aunor at ang kanyang mga anak na lamang ang dumalo para sa kanya.

Ayon sa isang article mula sa isang mapagkakatiwaalan source, nakakalungkot na nasa hindi magandang kalagayan ngayon si Ms. Nora Aunor. Kahit pa pinaghandaan niya ng husto ang araw, kung saan mabibigyan siya ng parangal ay hindi ito pinayagang makalabas sa hospital ng kanyang Doktor. 

Hanggang ngayon, napag-alaman na nasa hospital pa rin ang betiranang aktres hindi umano ito nakakahinga ng maayos kaya kailangan nitong manatili sa hospital.

Ayong kay Cristy Fermin, laging naka-oxygen si Nora Aunor kahit noong nasa bahay pa nila ito. Kinailangan nilang dalhin ito sa hospital upang masuri ng husto at doon magpalakas.

Marami ang nalungkot at nag-aalala sa pinagdaanan ngayon ng Superstar na si Nora Aunor. Marami rin ang nanghinayang na hindi ito nakadalo sa nasabing event dahil labis umano nitong pinaghandaan ang pagtanggap.

Bumuhos naman ang pagdadasal para sa ikabubuti at tuluyang paggaling ni Ms. Nora Aunor upang maipagpatuloy ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo