Nakalatag at sigurado na ang pagtatapos ng longest running TV series ng ABS-CBN na Ang Probinsyano.
Sa halos pitong taon nitong pag-ere sa television at ilang mga social media platforms nakalatag na ang huling mga episodes nito na ipapalabas ngayong July 2022. Sa pagtatapos ng FPJ's Ang Probinsyano, patuloy na bibigyang pugay ang mga karakter na may malaking parte sa programang ito.
Isa na rito ang karakter na ginampanan ng yumaong veteran actress na si Susan Roces. Malaki ang naging papel ng yumao sa action-drama series na ito, kung saan ginampanan niya ang papel ni Lola Flora. Ang Lola ng ginampanang karakter ni Coco Martin na si Cardo Dalisay.
Sa kabila ng pagpanaw ni Ms. Susan Roces, napagpasyahan ng buong staff ng Ang Probinsyano, na bigyan pagpapahalaga sa huling kabanata nito ang karakter na naiwan ni Ms. Susan Roces.
Kasabay ng ika-81 kaarawan sana ni Susan Roces sa darating na July 28, nagpasya ang buong staff ng nasabing teleserye na bigyan ito ng tribute. Maaasahan na isang itong nakakalungkot at madamdaming tagpo. Muling mapapanood sa huling bahagi ng serye ang mga eksena kung saan kasama ang karakter na si Lola Flora.
Muling aalalahanin ang mga sandaling nakakasama pa sa set si Susan Roces. Sa pagtatapos ng seryeng Ang Probinsyano, hindi malilimutan ng lahat ang karakter ni Lola Flora na ginampanan ni Susan Roces.
Si Lola Flora ay isa sa mga karakter na nagbigay kulay sa seryeng ito at isa sa naging dahilan kung bakit umabot ito sa halos pitong taon.
Maraming nag-aabang na muling mapanood ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces. Patunay na kahit wala na ito, mananatiling buhay na buhay ang mga alaala nito sa mga taong nagmamahal sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!