Nakialam! Xian Gaza Sa Issue Ni Dennis Padilla Sa Mga Anak Nitong Sina Julia Barretto Kay Marjorie

Lunes, Hunyo 27, 2022

/ by Lovely

Hindi pinalampas ng self proclaimed male marites na si Xian Gaza ang tila pagtatampo ng aktor na si Dennis Padilla sa mga anak nito.

Ayon kay Xian, ang father's day greeting umano ay hindi hinihingi sa mga anak. Dahil kung wala ka umanong kwentang ama para sa iyong mga anak buong taon, hindi ka rin dapat mag-eexpect na batiin sa father's day.

Post nito sa kanyang Facebook page,

"Dennis Padilla, yung Father's Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan. Kung wala kang kwentang tatay sa buong taon eh huwag kang mag-expect na babatiin ka ng mga anak mo sa araw nating mga ama."



Matatandaang nag-viral ang post ni Dennis Padilla para sa mga anak nitong sina Julia, Claudia at Leon Barretto. Sinabi ng aktor, na nakalimutan umano siyang batiin ng kanyang mga anak noong Father's Day. Agad naman itong binura ni Dennis sa kanyang account.

Ilang araw matapos ito, naglabas ng open letter ang kanyang bunsong anak kay Marjorie na si Leon upang protektahan umano ang kanyang mga kapatid. Sinabi din nito sa kanyang liham, kung bakit hindi nila binabati ng mga kapatid ang ama.

Tanong pa ni Leon, bakit tila gusto ng kanilang ama na pinapahiya sila sa publiko pwede naman umano silang kausapin privately at hindi na kailangang ipost ito sa social media o sa mga interviews nito. Nagiging dahilan pa umano ito sa pambabash sa kanila ng kanyang mga kapatid.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo