Napahanga Din! Gerald Anderson May Isiniwalat Tungkol Sa Pagsasama Nila Ni Ivana Alawi

Biyernes, Hunyo 3, 2022

/ by Lovely

Pinakainaabangan ngayon ang upcoming Kapamilya series na A Family Affair, pagbibidahan ito ng magagaling na Kapamilya stars. Isa na rito ay ang aktor na si Gerald Anderson. Isa siya sa makakatambal ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi.

Matatandaang napahanga si Ivana sa pagiging maalaga sa kanya ni Gerald Anderson habang nasa taping sila at sa pagiging professional nito pagdating sa trabaho.

Samatala, napag-alaman na inamin ni Gerald Anderson ang malaking paghanga kay Ivana Alawi. Matapang na inamin ng aktor na sa pagsasama nila ni Ivana Alawi ay napahanga siya sa mga ipinapakita nito.

Ang A Family Affair ay ang unang pagbibidahang serye ni Ivana Alawi. Kaya naman labis ang paghanga ni Gerald sa mga performance na ipikita ni Ivana. Napakagaling umano nito bilang aktres at talagang ibinubuhos ang lahat ng makakaya upang maging maganda ang resulta ng kanyang pag-arte.

Ayon pa kay Gerald,

"Nagulat ako sa performance niya. Sa ibinibigay niya, sa passion niya."

Nabanggit din ni Gerald na 'nung una ay nahirapan sila, lalong lalo na sa  kanilang mga love scenes. Ngunit napahanga umano siya dahil sa pagka-professional ni Ivana sa bawat pagganap nito. Kaya naman masasabi umano niya na matagumpay ang lahat ng mga eksena nila sa nasabing serye.

Lalong na-excite ang marami sa panonood ng A Family Affair dahil sa sinabing ito ni Gerald. Two of the hottest Kapamilya artists in one hottest series. Sigurado na kakaibang kilig at init ang dala ng dalawa at ng kanilang makakasamang magagaling na mga aktor na sina Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake sa mga manonood.

Komento naman ng ilang mga netizens na tila may posibilidad na mas lalong magkakalapit ang dalawa lalo na't aminado naman sila na may paghanga sa isa't-isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo