Naubos Na! Kris Aquino Milyones Na Ang Nagagastos Sa Pagpapagamot at Private Plane, Bimby May Mensahe

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Nagbahagi ng bagong update ngayon si Nay Cristy Fermin sa kanyang Youtube channel na Showbiz Now Na. Tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Nakakaawa ang kalagayan ni Kris, dahil ayon kay Cristy Fermin, napakanipis na lang ng balat ni Kris at pumayat na ito ng husto.

Matatandaang sinabi ng Fil-Am doctor ni Kris, kung hindi agad makakalipad si Kris patungong Houston, Texas ay maikli na lamang ang buhay nito. Kaya hindi naiwasang malungkot at maawa ni Cristy sa lagay ni Kris.

Kuwento ni Nay Cristy, napakalaki na ng ginastos ni Kris at bilyon na rin ang inabot sa pagpapagamot nito. Sa pag-upa pa lang ng private plane nito ay milyon na ang naubos. Dagdag pa nito, sa tagal ng pagpapagamot ni Kris sa Texas ay tiyak na mababawasan ng malaki ang bilyones na pera ni Kris Aquino.

"Kapag may sakit tayo, baliwala ang kayamanan. Iba pa rin 'yung sarili natin ay safe. Sana naman ngayon na nasa Houston na siya, 'yung ipinangako ng mga doktor na doon magaganap 'yung pagta-trace ng ugat ng kanyang sakit. 'Yung makakapagpagaling sa kanya. Sana nama'y umepekto, 'yan ang panalangin natin at sana'y matagal pa nating makasama si Kris Aquino," pahayag ni Cristy.

Samantala, nangako naman si Kris Aquino na kahit anong mangyari ay kakayanin niya ang sakit na ito, para sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Hinding-hindi siya susuko at lalaban siya sa pagsubok na ibinigay sa kanya. May kahilingan naman si Kris sa kanyang Fil-Am Doctor, na maging honest sa kanya at huwag magtatago kung anuman ang makita sa mga resulta ng kanyang mga tests.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo