Ginulat ang mga netizens ni Tom Rodriguez sa kanyang rebelasyon sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Carla Abellana.
Sinagot ni Tom ang ilang mga komento ng mga netizens sa social media kasama na ang diumano'y pagloloko niya at ang pananakit niya kay Carla Abellana.
Tanong ng isang netizen kay Tom,
Why did you hurt Carla Angeline?
Sagot naman ng aktor, na hindi lamang si Carla ang nasaktan at mayroon ding mas malalim na storya tungkol dito. Baka magulat lamang umano ang lahat kapag lalabas na ang totoong nangyari.
Matatandaan na nitong mga nagdaang araw ay nagsalita si Tom kung bakit hindi siya basta-basta nakakapagsalita tungkol sa isyu nila ng kanyang asawa.
Sinabi ni Tom sa mga netizens na ang kampo na lamang ni Carla ang tanungin kung bakit siya pinapatahimik. Hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag si Carla tungkol sa nasabing isyu.
Mukhang may mensahe si Tom na nais niyang malaman ng publiko ngunit hindi niya malahad dahil umano sa gag order.
Matatandaang, Marso ngayong taon ay laman na mga pahayagan ang hiwalayan ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez noong nakaraang taon lamang ikinasal.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!