Nora Aunor Isinugod ngayon sa Ospital! Lotlot De Leon Humingi ng Panalangin para sa kanyang Ina

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely

Sikat at veteran actress na si Nora Aunor lumalaban ngayon sa kanyang karamdaman sa hospital.

Kinumpirma ng malalapit kina Lolot De Leon at Nora Aunor na nagkaayos na ang mag-iina.  Bago pa ang conferment of artists na isinagawa sa Malacanang noong Huwebes June 16, 2022 dinalaw na pala ni Lotlot ang mommy niya sa hospital.

Hindi na lamang nagreact si Lotlot sa ilang mga balita na inisnab nito ang pagtanggap ng parangal ng kanyang ina. Dahil ang totoo ay nasa hospital siya sa mga oras na iyon. Siya ang nagbabantay kay Ate Guy.

Ayaw na lamang nila gawing isyu pa, gusto nila ang tahimik na pag-aayos dahil nasa puso naman nila ang hangad na magkakaayos ang lahat. 

Ang iba pa niyang mga kapatid na sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko De Leon ang dumalo sa conferment para tanggapin ang naturang parangal mula sa Pangulong Duterte.

Ang unang plano umano ay si Ate Guy ang magbibigay ng mensahe para sa walong artists pero hindi pumayag ang doctor. Kaya si Ricky Lee na ang nagpaunlak.

Sa June 29 ay magkakaroon ng tribute mula sa walong national artists na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines. Inaasahan ng lahat na makakadalo na ang Original Superstar dahil matagal nang inaasam-asam ng lahat.

Sinasabi naman ng mga taong malalapit kay Ate Guy na okay na ito at wala nang dapat pang ipag-aalala. Pero kung tintanong kung ano ang karamdaman ng akres, hindi na sila sumasagot. Kaya nangangamba pa rin ang ilang mga fans ni Ate Guy dahil wala silang malinaw na sagot sa totoong sakit nito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo