Ogie Alcasid, Nagsalita Na Sa Kumakalat Na Balitang Hiwalay Na Sila Ni Regine Velasquez

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Sparkle

 

Usong-uso ngayon sa showbiz ang hiwalayan at ang isang celebrity couple na ini-intriga ngayon ay ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. 

May mga post kasi sa social media tungkol sa mag-asawang taga-showbiz na baka raw maghiwalay na rin, tulad ng mga naunang couple na naghiwalay.

Noong una pa nga ay isa itong blind item pero kinalaunan ay pinangalanan na at ito nga daw ay ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. 

Sabi pa ay madalas daw kasing nag-aaway ang Kapamilya couple kaya wag na daw magtaka ang netizens kung isang araw ay mag-announce na din sina Ogie at Regine na hiwalay na.

Nang makarating ang balita sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay agad nitong pinabulaanan ang nasabing balita. Isang malaking fake news nga daw ang nasabing balita. 

Masaya, walang problema, at puno ng pagmamahal ang dalawa sa isa't-isa. Kaya napakaimposible daw na sila ay maghiwalay. 

Reaksyon naman ng mga netizens sa pagdedeny nito ni Ogie, "Uso nga daw ang hiwalayan, wag naman na daw silang makiuso. Dahil sa dalawa, kung kaya't naniniwala ako sa forever".

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo