Ogie Diaz, Flinex Bagong Kotse: Deserve Ko Rin Naman Ito, Bugbog Na Yung Luma

Lunes, Hunyo 13, 2022

/ by Lovely

Ibinida ni showbiz columnist Ogie Diaz ang bagong bili niyang kotse sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hunyo 13.

Sinasabing ang kotseng ito ay isang brand new green Lamborghini na isa sa mga mamahaling kotse. Aniya, deserve naman niyang magkaroon ng ganitong mamahaling sasakyan dahil matagal na rin naman siyang kumakayod sa showbiz industry.

“35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon,” ani Ogie.

“Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na yung luma ko. Naghihingalo na, ika' nga, kaya dapat nang bumili ng bago.”

“Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver.”

“Ang tagal ko pang nag-decide.”

“Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong charger,” ani Ogie.

Marami naman sa mga netizen ang nag-congratulate kay Ogie at nagsabing deserve na deserve daw niya ito.

Hindi na idinetalye pa ni Ogie kung magkano ang eksaktong halaga ng kaniyang bagong kotse. Ngunit kung sisilipin sa website ng Lamborghini, ang latest na presyo ng mga ganitong uri ng sasakyan ay tinatayang nagsisimula sa $249,898 o mahigit ₱12M sa Pilipinas.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo