Ogie Diaz May Pasabog Sa Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely

May pasabog si Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel.

Ayon sa napag-usapan sa vlog ni Ogie, puwede raw na linawin o i-deny pareho ng dating mag-asawang sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang isyung nasagap niya tungkol sa dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Ayon pa kay Ogie, mula raw sa nabalitaan niya sa mga kaibigan ni Tom, isang araw ay dumating si Tom ng kanilang bahay at ang mga gamit niya ay nasa labas na ng kanilang bahay.

Ang dahilan, may nabasa raw kasi si Carla na message ng isang babae na tila nagpi-flirt sa actor. Eh, ang kabilin-bilinan daw ni Carla ay huwag na huwag gagawin ni Tom ang ginawa ng Daddy niya noon. As we all know, ang ama ni Carla ay si Rey “PJ” Abellana at hiwalay ito sa nanay niya.

Si Sam Milby raw ang tumutulong kay Tom dahil wala naman talagang pamilya ang huli sa bansa. Sa ngayon, nasa U.S. na raw si Tom.

Pero, ang hindi naman namin ma-gets sa kuwento ni Ogie, paanong si Tom ay nasa America ngayon dahil diumano ay wala itong pera at naghahanap ng mga raket.

Nakikitira lang daw ito sa mga kaibigan sa America. Eh, hindi ba’t nasa U.S. din ang pamilya ni Tom?

Sa isang banda, agree kami kay Ogie na kung totoo ngang ang nasagap niyang balita ang dahilan ng hiwalayan ng estranged couple, wala na bang second, third or kahit ilang chances pa si Carla sa asawa?

Lalo pa nga’t hindi naman na-prove kung may affair nga si Tom.

Itinanggi rin ni Ogie ang mga ispekulasyon na diumano’y nambabae si Tom, nagkaroon ng anak sa iba at kesyo bading ito.

Hmmm… ang alam namin, base sa nakarating sa amin ay medyo “mababaw” ‘yung totoong rason lalo na sa level na mag-asawa na nga sila.

Pero siyempre, tanging sina Carla at Tom lang talaga ang makapagsasabi ng totoo at kung bakit after three months of being married and seven years na mag-jowa at magka-live-in ay nauwi ang kanilang relasyon sa hiwalayan.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo