Omg! Angelica Jane Yap Nagsalita Na Sa Issue Nila Ni Flow G at Binuweltahan Si Makagago

Lunes, Hunyo 13, 2022

/ by Sparkle

 

Angelica Jane Yap o mas kilala na Pastillas Girl ay nagsalita na at binweltahan si Makagago. Narito ang buong detalye.

Umani nga ng samu't-saring reaksyon sa social media ang mga naging rebelasyon o patutsada ng vlogger na si Makagago laban sa magcouple na sina Pastillas Girl at Flow G. 

Napaghalataan kasi ni Makagago na ang dalawa ay tila kinampihan nga si Skusta Clee laban kay Zeinab Harake kaya naman, hindi nga nakatiis si Makagago at binweltahan din ang dalawa, kung saan sinabi ni Makagago na ilalabas niya ang ginawang pangloloko o pambabae ni Flow G. 

Sa latest vlog nga ni Makagago ay inilabas nito ang ilan sa mga ebidensya lalong lalo na ang screenshots ng convo nina Flow G (Archie Dela Cruz) at sinasabing kabit nito.

Anya pa ni Makagago, maski si Angelica Jane Yap ay alam din daw ang diumano'y pangloloko sa kanya ni Flow G. Ngunit itinago lang niya ito para hindi mapahiya sa publiko ang jowa na si Flow G.

Ngunit hindi nga nakapagtimpi si Makagago at inilabas o ibinahagi nito ang kanyang nalalaman sa diumano'y ginawang pangloloko ni Flow G sa syota nito na si Angelica Jane Yap. 

Maski nga si Pastillas Girl ay binanatan ni Makagago sa social media, na kung saan, nagbahagi ng ilang post si Makagago laban kay Angelica Jane Yap o Pastillas Girl.

Ito nga ang isa sa maanghang na pahayag ni Makagago laban kay Pastillas Girl. 

"Hindi daw siya ipagpapalit, feeling niya mas maganda siya kesa kay Zeinab? E, mukha lang naman syang medyas ng paa ni Zeinab hahaha. Minsan nga natatawa ako sa mga interviews niya, madalas na i downgrade ang kanyang partner, kesyo ok lang na pangit, may maganda namang kalooban. Hahaha, bakit maganda ka ba? Jusko, yung babae ni Skusta, kamukha niya at pareho silang pangit. Yung chix ng partner mo, mas maganda sayo. Realtalk."



Dahil nga sa mga pasaring na ito ni Makagago laban kina Flow G at Angelica Jane Yap o Pastillas Girl ay hindi nga nakapagtimpi si Pastillas Girl at nagsalita nga ito.

Matapos magbahagi kahapon ng isang video sa kanyang Tiktok na kung saan pinaringgan nga niya si Makagago. Narito nga at panoorin.

@angelicajyap

🤭

♬ original sound - Mr. Chic


Samantala, isang netizen naman ngayon ang nangahas na magkomento sa isang post ni Pastillas Girl na kung saan, agad ngang sinagot ni Pastillas Girl ang pasaring ng isang netizen. Narito nga ang kanilang naging sagutan. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo