Omg! Ruffa Gutierrez Nag-react! Yilmaz Bektas Ayaw Ng Pauwiin Ng Pinas Ang Dalawa Nilang Anak!

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Madamdaming ibinahagi ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas sa Instaagram ang larawan nila ng kapatid na si Venice Bektas kasama ang ama nilang si Yilmaz Bektas sa Istanbul. Family ties, ang caption ng dalaga na may kasamang simbolo ng eternity. Ipinost ito ni Lorin noong Lunes, June 13,2022.

Napaulat ang pagdating nina Lorin at Venice nitong weekend sa Istanbul. Muling nakapiling ng dalawa ang kanilang ama matapos ang labin limang taon.

Si Yilmaz Bektas ang ex-husband ni Ruffa. Sila ay kinasal noong 2003 ngunit naghiwalay noong 2007.

Simula ng dumating sa Turkey sina Lorin at Venice, nagbahagi sila sa social media ng mga larawan ng ginagawa nila kasama ng kanilang ama. Katulad na lamang sa pamamasyal at pakiki-reconnect nila sa mga kamag-anak doon.

Isa sa lagi nilang nakakasama ay ang nakakatandang kapatid sa ama na si Ilknaz Bektas.

Samantala, aktibo si Ruffa sa pagkokomento sa mga post ng kanyang mga anak.

"Enjoy girls," komento ni Ruffa sa post ni Lorin.

Mahihinuhang kahit malayo ay nakabantay pa rin si Ruffa sa kanyang mga anak. Sa isa pang post ni Lorin, nag-iwan ng mensahe ang aktres sa bunsong anak na si Venice.

"@venicebektas been calling. Are you sleep na, cutie? Pls message when you wake up," sabi ng aktres.

Samantala, lumalabas na aprubado kay Ruffa ang reunion ng kanyang mga anak at ama ng mga ito. Ilang oras matapos ipost ni Lorin ang larawan kasama ang amang si Yilmaz naglabas ng Tiktok video si Ruffa na ini-repost niya sa kanyang Instagram.

Naglalaman ito ng compilation of videos at photos ng bonding ng mag-aama. Sa caption isinulat niya,

"Trust in God’s perfect timing. It took patience and a whole lot of faith, but everything was worth the wait." 

Ginamit rin ni Ruffa ang mga hashtag na NewBeginnings, AtPeace and ReunitedAtlast.

Sa ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang Youtube Channel na Showbiz Now Na kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, sinabi nitong parang ayaw nang pauwiin ni Yilmaz ang mga bata sa Pinas.



"Hindi maaninag ni Ruffa kasi hindi niya hawak sa leeg ang desisyon ng kaniyang mga anak at syempre kung si Yilmaz naman ang masusunod ayaw siguro nitong pauwiin ang dalawa sa Pilipinas makikita mo sa kanya ang pagkasabik sa mga anak niya. So let see kung ano ang mangyayari kung hanggang kailan ang dalawa sa piling ng kanilang ama. Sa ngayon hindi natin ma-reach si Ruffa upang hingin ang kanyang pahayag," sabi ni Cristy Fermin.

Samantala, ini-enjoy muna ni Ruffa ang moment na nakasama ng kanyang mga anak ang amang si Yilmaz at ibinabahagi niya ito sa kanyang social media. 

Abangan natin ang magiging pahayag ni Ruffa kung hanggang kailan mananatili ng kanyang mga anak sa piling ng amang si Yilmaz Bektas.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo